Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News AFP at PNP kakasuhan ng Bayan Muna sa pagdukot ng 43 health workers sa Morong, Rizal

AFP at PNP kakasuhan ng Bayan Muna sa pagdukot ng 43 health workers sa Morong, Rizal

February 09, 2010
A A A
(8:02 AM) KAKASUHAN ng grupong Bayan Muna ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)- sa pagdukot at iligal na pagkulong sa 43 health workers na pinaghinalaan nilang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Mariing kinondena nina Bayan Muna Party-List Reps. Teodoro Casiño at Neri Colmenares, ang ginawang pagdampot ng mga pulis at militar sa mga health workers.

Iginiit ng mga kongresista – paglabag sa karapatang pantao ang hakbang ng otoridad.

Sinasabing dinukot ang 43 health workers habang nagse-seminar sa resthouse ni Dr. Melecia Velmonte sa Morong, Rizal, sa hinalang kasapi ang mga ito ng NPA.

Para kay Colmena¬res - depektibo ang inihaing search warrant ng raiding team sa pangu¬nguna ni Col. Aurelio Baladad, commander ng Philippine Army’s 202nd Infantry Brigade.

Hinala pa ng opisyal - “plan¬ted” ang mga nakumpiskang mga ebidensiya laban sa mga health workers.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.