Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Agricultural development sa bansa ang prayoridad ni Gibo

Agricultural development sa bansa ang prayoridad ni Gibo

February 09, 2010
A A A
(12:44 PM) INIHAYAG ni Lakas-Kampi-CMD Presi¬dential candidate Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. na ang agricultural development ang kanyang magiging pangunahing prayoridad.

Ito ay upang masiguro ang food security at mapabilis ang economic development ng bansa.

Sinabi ni Teodoro na maglulunsad siya ng programa upang imordenisa ang agrikultura para mapalakas ang seguridad sa pagkain.

Ang mga ito ay pawang mahahala¬gang “links” sa pagsisikap ng bansa na isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa.

Binanggit din ni Teo¬doro ang ilan pa sa priority areas at kabilang dito ang pamomodernisa ng ship-building industry at ng tou¬rism sector dahil sa malaking potensyal umano nito na kumita ng malaking halaga ng dolyar para sa bansa.

Pabor din ito sa “increased spending” para sa pulisya at militar partikular sa recruitment ng miyembro nito at pagbili ng bagong equipment, ang mga ito umano ay susi para sa pangmatagalang kapayapaan at kaayusan.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.