national News
CBCP na alarma sa ‘secret understanding’ ng Villar-Arroyo
Naglabas na rin ng himutok at pagkabahala si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa lumutang na balita hinggil sa sinasabing “secret alliance o understanding” ni Arroyo at ng kampo ni Villar sa pampanguluhang halalan sa Mayo 10.
Para kay Bastes - ang pinauusok na kasunduan ni Arroyo at Villar na “evil deal” dahil wala itong ibang hangad kundi siguruhin ang pamama¬yagpag ng pangulo sa pagmando sa bansa oras na manalo si Villar.
Sa panig naman ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez - hindi imposibleng mangyari na makipagkasundo ang pangulo kay Villar dahil nakikipagpukpukan sa u¬nang puwesto sa pagka-pangulo ang senador base sa mga huling survey.
Dagdag naman ni Korona¬dal City Bishop Dinualdo Gutierrez, desperado na ang pangulo na maghanap ng kakampi at sasandalan oras na bumaba ito sa puwesto sa Hunyo 30, 2010.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 34°C
Moderate:
Northeast
Manila Bay:
Moderate
.