Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Comelec, umaasang magiging maayos ang pagpapalit ng pamunuan sa Bulucan

Comelec, umaasang magiging maayos ang pagpapalit ng pamunuan sa Bulucan

March 08, 2010
A A A
(7:18 AM) UMAASA ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na magiging maayos ang transition o pagpapalit ng pamunuan sa Bulacan.

Ipapatupad na ngayon ang writ of execution kaugnay ng pagpapaalis kay incumbent Bulacan Gov. Jon-Jon Mendoza sa Kapitolyo nang ideklara na si Roberto Pagdanganan ang siyang totoong nanalo bilang gobernador ng lalawigan.

Ayon kay Bulacan Election Supervisor Sambino Mejari, tuloy ang pag-upo ni Pagdanganan kapag walang nakuhang Temporary Restraining Order (TRO) mula sa korte si Mendoza.

Batay sa report ni Efren Alacantara ng RMN Bulacan, tuloy ang banta na haharangin ng mga kaalyado ni Mendoza ang pag-akyat sa Kapitolyo ni Pangdanganan.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.