national News
Gibo, ipinagtanggol ng Palasyo laban sa tiyahing si Gretchen Cojuangco
Umapela ngayon ang Malakanyang na huwag ng isama sa isyu ng pagkandidato sa pagkapangulo ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro ang hindi pagkakaunawaan niya at ng tiyuhing si business tycoon Danding Cojuangco.
Ito ang mensahe ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, makaraang ihayag ng maybahay ni Danding na si Gretchen Cojuangco na masama ang loob niya kay Gibo dahil sa ginawa nitong pagkalas sa Nationalist Peoples Coalition at pagtakbo sa ilalim ng Lakas-Kampi-CMD.
Pero ayon kay Olivar, dapat irespeto ang anumang naging desisyon Gibo sa larangan ng pulitika.
Mainam aniya na isasisantabi na lamang muna ni Gibo ang anumang problema sa pamilya upang bigyang-atensyon ang taongbayan.
Sinabi pa ni Olivar, na normal na lang kapag panahon ng eleksyon ang mga negatibong pahayag laban sa mga kandidatong katulad ni Gibo.
Hindi rin madetermina pa ni Olivar kung may epekto sa kandidatura ni Teodoro ang negatibong pahayag ng kanyang tiyahin.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.