national News
Kinatawan ng Association of Barangay Captains sa Batangas, pinagbabaril
Kritikal sa pagamutan ang isang board member habang napatay naman ang gun man nito matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng kapitolyo, sakop ng Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City.
Ganap na alas-4:00 kanina nang pagbabarilin ang biktimang si BM Herminigildo Dolor, kinatawan ng Association of Barangay Captains at halos siyam na taong naging mayor ng Bauan, Batangas.
Nabatid na katatapos lamang dumalo ng regular na sesyon ng biktima sa Sangguniang Panlalawigan kung saan nakausap pa nito ang tatlong kababaihan na pawang humihingi ng tulong sa nasabing opisyal at nang papasakay na sa kanyang service vehicle ay pinagbabaril na ito sa likuran bahagi ng kanyang katawan.
Agad na isinugod ang biktima sa Batangas Regional Hospital at doon ay kasalukuyan pa ring ginagamot.
Si BM Dolor ay ama ni Incumbent Bauan Mayor Ryan Dolor na re-electionist sa ilalim ng Liberal Party.
Samantala, nasawi naman sa engkwnentro ang suspek na nakilalang si Private First Class Jonatan Pagaspas ng Philippine Army nang maabutan ito ng mga nagrespondeng Provincial Guard na pinamumunuan ni Cesar Gonzales.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.