Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Lacson malabong umuwi sa bansa - Joson

Lacson malabong umuwi sa bansa - Joson

February 08, 2010
A A A
(7:30 AM) MALABONG umuwi sa bansa upang sumuko si Sen. Panfilo Lacson dahil hindi ito kumbinsido na mabibigyan ng “fair trial” sa Dacer-Corbito double murder case.

Naniniwala si Nueva Ecija Rep. Edno Joson, na malamang, hintayin na lamang ni Lacson ang susunod na administrasyon at kapalit ni Pangulong Gloria Arroyo – bago harapin ang kasong kinasasangkutan nito.

Hindi rin kumbinsido ang kongresista, na maaaring maging state witness ang senador sa kaso - para lamang maisalba ang kanyang sarili sa kaso at ituro ang sinumang mastermind sa brutal na pagpaslang kina Salvador “Bubby” Dacer at Emmanuel Corbito.

Una nang ini-ugnay ni dating police Sr. Supt. Cezar Mancao ang isang “alyas bigote” na siyang nagbigay ng order sa pagpatay sa mag-amo.

Sinasabing si dating Pangulong Joseph Estrada ang binabanggit na ‘bi¬gote’, pero - paulit-ulit na nagpahayag si Erap, na wala siyang kina¬laman sa krimen.

Naniniwala rin si Joson na nagtatago si Lacson sa bansang walang extradition treaty para hindi ito madakip at maibalik sa bansa.

Kaugnay nito - tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lugar na ‘pinagtataguan’ ni Lacson base sa beripikasyon at mga impormasyong dumarating sa kanilang tanggapan.

Nagdesisyon naman si NBI spokesman at Counter Terrorism Unit Chief, Atty. Ricardo Diaz, na hindi muna ibunyag ang ilang detalye - dahil alam nila na naka-monitor din si Lacson sa nangyayari sa Pilipinas.

Iginiit nito – na puspusan ang kanilang pagkilos para mahuli si Lacson, kaugnay sa kinasangkutan nitong kaso.

Nakipag-ugnayan na ang NBI sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) at mayroon na silang natanggap na impormasyon mula dito.

Aniya - kahit senador si Lacson, hindi ito magiging hadlang para madakip ang opisyal sa ibang bansa, dahil sa Pilipinas lamang ito mambabatas.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.