national News
Lacson, posibleng humingi ng political asylum sa ibang bansa
Posibleng humingi ng political asylum sa ibang bansa si Sen. Panfilo Lacson upang hindi ma-extradite pabalik sa Pilipinas dahil sa Dacer-Corbito double murder case.
Ito ang inihayag ng Legal Counsel ni Lacson na si Atty. Alex Poblador kung patuloy itong ipe-pressure ng administrasyong Arroyo na sumuko sa mga awtoridad.
Paglilinaw ng abogado, ang desisyon ni Lacson na magtago ay hindi “admission of guilty” lalo na at inaalala nito ang seguridad sakali mang sumuko.
Aniya – kung pagbabatayan ang pahayag nina Presidential Legal Adviser Raul Gonzales at Justice Sec. Agnes Devanadera, ipinapakita lamang na na-prejudge na ng DOJ ang kaso.
Naglabas ng warrant of arrest laban kay Lacson si Judge Myra Fernandez ng Manila Regional Trial Court branch 18, sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 33°C
Moderate to Strong:
East
Manila Bay:
Moderate to Rough
.