national News
Lumalalang katiwalian sa bansa, magtataboy sa mga investor
Dismayado ang mga negosyante sa report na umakyat na ang Pilipinas sa pang-apat na puwesto sa hanay ng mga bansang “corrupt” sa Asia Pacific.
Ayon kay Astro del Castillo, director ng Association of Securities Analysts of the Philippines , ang lalo pang paglala ng katiwalian sa pamahalaan ang siyang magtataboy sa mga investor na magnegosyo sa bansa.
Kaugnay nito, hinamon ni del Castillo ang gobyerno na ipakulong na ang mga tiwaling opisyal.
Sa nasabing survey ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy Limited, lumalabas naman na may pinakamagandang ekonomiya ang Singapore , Australia at Hong Kong.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.