Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Mga pulis na sangkot sa Parañaque shootout, kinasuhan ng 2-counts of murder ng DOJ

Mga pulis na sangkot sa Parañaque shootout, kinasuhan ng 2-counts of murder ng DOJ

March 11, 2010
A A A
7:25PM

Kinasuhan na ng Department of Justice sa Parañaque Regional Trial Court ng 2 counts of murder ang dalawamput limang pulis na sangkot sa pagpatay sa limamput tatlong taong gulang na seaman at pitong taong gulang na anak nito sa naganap na shootout noong 2008.

Isinampa ang kaso matapos na makakita ng provable cause ni DOJ State Prosecutor Stewart Allan Mariano na magpapatunay na sangkot ang mga suspek sa pagpatay kay Alfonso “Jun” De Vera at sa anak nitong babae na si Lian Allan na naipit sa barilan sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force noong Dec. 5, 2008 sa United Parañaque Subd. IV sa nasabing lungsod.

Bukod sa mga biktima, kabilang din sa mga napatay ang labing apat katao na miyembro ng Waray-Waray Ozamis robbery gang.

Nabatid rin mula sa labing anim na pahinang resolution ng DOJ na unbailable ang nasabing kaso kung saan pinagbasehan ng DOJ ang testimonya ng mga testigo.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.