Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Nacionalista Party, naaawa sa pagiging ambisyoso ni Gordon

Nacionalista Party, naaawa sa pagiging ambisyoso ni Gordon

March 04, 2010
A A A
(7:44PM) NAAAWA na ang Partido Nacionalista kay Sen. Richard Gordon dahil sa pagiging ambisyoso nito.


Ito’y matapos akusashan ni Gordon na binibili siya Sen. Manny Villar Jr., para umatras sa pampanguluhang halalan.


Sinabi ni Sen. Villar na kahit kailan ay hindi niya magagawang bilhin si Gordon lalu pa’t nangungulelat naman ito sa lahat ng presidential survey.


Kasabay nito, muling nanindigan si Villar na hindi siya bibili ng sinumang kandidato para lamang umatras sa labanan dahil naniniwala ito na ang kanyang plataporma de gobyerno ang syang kinakagat ngayon ng taong bayan.


Samantala, binanatan rin ng running mate ni Villar na si Sen. Loren Legarda si Gordon sa pagsasabing nagpapapansin lamang ito upang sumakay sa kanilang kasikatan.


Ayon kay Legarda, nais lamang umanong pag-usapan si Gordon ng madla para makakuha at makahabol sa mga presidential survey.


Nabatid kasi sa mga nagdaang survey ay halos hindi mapantayan ni Gordon ang rating ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement sa mga survey.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.