Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News P1.54-T budget ng gobyerno ngayong 2010, nilagdaan na ni PGMA

P1.54-T budget ng gobyerno ngayong 2010, nilagdaan na ni PGMA

February 09, 2010
A A A
2:05pm

Nilagdaan na ngayong umaga ni Pangulong Gloria Arroyo ang P1.54 trillion 2010 national budget na mas mataas ng walong porsyento kumpara sa budget noong nakaraang taon na umaabot lang sa 1.42 trillion pesos.

Sa nasabing batas, nakapaloob ang pinataas na pondo para sa edukasyon na nagkakahalaga ng P185.5 billion, habang P126.9 billion naman ang napunta sa imprastraktura.

May inilaan ding P79.9 billion sa pension and gratuity; sa land reform, P20.8 billion ang inilaan; sa health sector ay P30.4 billion; sa transportation and communications ay P16.6 billion at P15.3 billion naman ang para sa social welfare and development.

Ayon sa Department of Budget and Management, kailangan ang nasabing pondo para sa mga resiliency projects ng gobyerno upang madepensahan ang bansa mula sa epekto ng global financial crisis.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.