national News
Palasyo, pinuri ang hindi pagsuporta ng PNP Chief sa pananatili sa kapangyarihan ni PGMA
Pinuri ng Malakanyang ang paninidigan ni Philippine National Police Director General Jesus Verzosa na huwag suportahan ang anumang magiging hakbang ng bagong pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na mapanatili si Pangulong Gloira Arroyo sa Pwesto.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, tama lamang ang naging posisyon ni Verzosa na huwag sundin ang anumang kautusan na illegal o hindi umaayon sa itinatakda ng saligan-batas.
Malinaw aniya sa konstitusyon na hanggang June 30, 2010 lamang ang termino ni Pangulong Arroyo kaya Malabo ang hinala ng mga kritiko ng administrasyon na ito ay possible pang mapalawig.
Naniniwala si Olivar, na katulad ni Versoza ay naninindigan din ang bagong talagang pinuno ng AFP na si Lt. General Delfin Bangit na huwag makiisa sa anumang illegal na hakbang na ibinibintang sa kanyang ng mga kritiko ng pangulo.
Malinaw naman aniya sa naging pahayag ni Gen. Bangit na hindi ito pagagamit kaninuman.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.