national News
Pangulong Arroyo, hinamon ni Villar na sagipin ang mga Pinoy na nagugutom
Ito ang naging hamon sa presidente ng tambalang senador Manny Villar at Loren Legarda matapos aminin ni Presidential Economic Adviser Joey Salceda na lumobo ang bilang ng mga nagugutom na Pinoy sa ilalim ng Arroyo administration.
Ayon kina Villar at Legarda, partikular na nangangailangan ngayon ng agarang ayuda ng gobyerno ang mga magsasakang apektado ng tagtuyot.
Sinisi naman ni Legarda sa diversion ng pondo para sa agrikultura ang paglala ng kahirapan sa bansa.
Tinukoy ni Legarda ang fertilizer fund na sinasabing ginamit na campaign fund ng pamahalaan sa nakalipas na halalan.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.