Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Pinakamadugong halalan, posibleng mangyari ngayong 2010

Pinakamadugong halalan, posibleng mangyari ngayong 2010

March 12, 2010
A A A
(6:07 AM) TINATAHAK ngayon ng bansa ang daan patungo sa pagsira ng “most violent election” record kung saan maaring malampasan ng kasalukuyang karahasan ang 189 election related violence noong 2004.

Aabot na sa nubenta ka-tao ang patay dahil sa eleksyon kung saan dalawang buwan pa ang natitira bago ang mismong halalan, kabilang na dito ang Maguindanao massacre kung saan 57 ang patay.

Sinisisi ni Philippine Institute for Peace, Violence and Tterrorism Research, Executive Director Rommel Banlaoi, ang pagkakaroon ng maraming private armies ng mga pulitiko.

Ani Banlaoi, kailangan gumawa ang gobyerno ng agarang solusyon para matigil ang karahasan sa eleksyon, hindi na kailangan umabot pa sa isang “record breaking performance” ang bansa para lang umaksyon ang pamahalaan.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.