national News
Presidential candidates’ iginisa ng mga panelist sa Presidential forum
Dumalo sa forum sina Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, Richard “Dick” Gordon, Ana Consuelo “Jamby” Madrigal At Manny Villar, Konsehal Jc De Los Reyes, Environmentalist Nicanor “Nicky” Perlas, Dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro at Ebanghelista Bro. Eddie Villanueva.
Tumagal nang mahigit dalawang oras ang tanungan at sagutan kung saan, inagaw ni Madrigal ang atensyon tuwing pinatatamaan niya si Villar na binatikos niya mula sa kanyang napakaraming anunsyo hanggang sa pag-boykot ng kanyang grupo sa huling araw ng sesyon sa senado.
Hangad sana ng mga kalaban ni Villar na kastiguhin siya dahil sa umano’y pakikinabang niya sa proyekto ng C-5 road.
Pero – biglang natumbok din si Madrigal nang hindi niya masagot kung magkano ang presyo ng galunggong at ng itlog na pula.
Nagpaliwanag naman ang kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada sa hindi pagdalo sa Presidential forum.
Ayon sa tagapagsalita niyang si Margaux Salcedo - kailangan niyang tagpuin ang isang pangkat ng mga politiko mula sa Mindanao.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 34°C
Moderate to Strong:
Northeast
Manila Bay:
Moderate to Rough
.