national News
Presyo ng manok, baba sa susunod na linggo - DA
Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, papalo sa 7 million kilos ang magiging supply ng manok sa bansa sa susunod na linggo.
Mas mataas kumpara sa normal na 3.4 million kilos at sa 7 milyong nabanggit, 2 milyon dito ay local supply habang 5 million naman ang imported.
Pero sa kabila nito ay nanatiling mataas parin ang presyo ng manok sa merkado kung saan ito ay papatak pa sa P125 – P130 kada kilo.
Para naman kay Atty. Llias Jose of the United Broilers and Raisers Association, dapat ay papalo lang sa P110 kada kilo ang retail price ng manok sa palengke dahil P58 kada kilo na lang ang bigayan galing sa mga poultry raisers.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.