Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Sympathy attacks ng ASG, pinangangambahan ng militar sa Mindanao

Sympathy attacks ng ASG, pinangangambahan ng militar sa Mindanao

March 12, 2010
A A A
(6:34 AM) NAKA-ALERTO na ang hanay ng Philippine Army (PA) upang lalo pang pagtibayin ang kapayapaan sa buong Mindanao region.

Ito ay may kaugnayan sa lumulutang na pangamba ng “sympathy attacks” mula sa Abu Sayyaf Group (ASG), hinggil sa pagkakapatay kay Jemaah Islamiyah Senior Member na si Dulmatin sa isang police raid sa Indonesia.

Sinabi ni Western Mindanao Command Lieutenant General Ben Dolorfino, nagpapatuloy pa rin ang opensiba ng militar laban sa ASG at JI sa mga lugar sa Mindanao

Ito ay may kaugnayan makaraang gawing home base ni Dulmatin ang Mindanao nang isagawa ang 2002 Bali Indonesia bombing kung saan mahigit 200 katao ang nasawi.

Ipinagpapalagyay din ng mga otoridad na ang Al Qaeda trained terrorist ang siyang nagsanay sa mga bandidong Abu Sayyaf sa paggawa ng improvised explosives device at sa paghahasik ng terorismo.

Samantala, tiniyak naman ni Anti-Terror Task Force Comet Brigadier General Rustico Guerrero, mahigpit na seguridad din ang ipinapatupad ng kanyang mga tauhan sa Jolo, Sulu na kilalang natitirang stronghold ng ASG.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.