Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Transparency, inilatag ni Villar sakaling manalong pangulo ng bansa

Transparency, inilatag ni Villar sakaling manalong pangulo ng bansa

March 10, 2010
A A A
11:51 am

Inilatag na ni Nacionalista Party presidentiable Manny Villar ang kanyang bibigyan ng prayoridad sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan sakaling mahalal na pangulo ng bansa.

Sinabi ni Villar na gusto niyang maging transparent ang bidding sa mga proyekto ng pamahalaan at tututukan niya ang mga ahensiya ng pamahalaan para malinis ang mga ito sa katiwalian.

Tiniyak din ni Villar na lahat ng sektor ay maaaring maging saksi sa mga transaksyong papasukin ng pamahalaan.

Si Villar ang kauna-unahang presidentiable na naglatag ng kanyang mga agenda sa unang mga araw ng kanyang pag-upo sa puwesto.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.