MENU

KAMPO NI BENHUR LUY, DISMAYADO SA REKOMENDASYON NG OFFICE OF THE SOLICIOR GENERAL NA IABSWELTO ANG PORK BARREL QUEEN NA





MANILA - Dismayado ang kampo ng whistleblower na si Benhur Luy sa planong pagpapawalang sala kay Janet Napoles sa kasong serious illegal detention.
 


Si Luy ang nagsisilbing principal whistleblower sa pork barrel scam kung saan itinurong utak dito si Napoles na nakakulong na ngayon sa correctional institute for women.


Ayon kay Luy – ikinadismaya niya ang mistulang pagbaligtad ng pamahalaan sa naturang kaso.


Nanatiling nasa witness protection program si Luy kasama ang ilan pang tumestigo laban kina dating Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na umano’y nakinabang sa kanilang pork barrel.


Sa isang impormayon mula sa Philippine Center for Investigative Journalism, malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga abogado ni Napoles na sina Stephen at Lanee David at na-appoint pa ang huli bilang Deputy Commissioner ng BIR.


 

Mood Meter

  • Happy
  • Neutral
  • Sad
  • Angry
  • Confused
  • Scared
  • Inspired
  • Annoyed