MENU

KUMPIRMASYON NI JUSTICE SEC. VITALIANO AGUIRRE II, LUSOT NA SA COMMITTEE LEVEL NG COMMISSION ON APPOINTMENTS





MANILA - Lusot na sa committee level ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.


Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang pagharang ng opposition senators dahil sa umano’y mga kinasasangkutang eskandalo ng kalihim.


Una nang sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi karapat-dapat maging Justice Chief si Aguirre dahil “psychologically” at “emotionally” unstable ito.


Pero sa ginawang botohan sa plenaryo, walang miyembro ng CA ang humarang para sa ed interim appointment ni aguirre. 


Ayon naman kay Senadora Loren Legarda, Chairperson ng Committee on Justice – kailangan pa ring resolbahin ni Aguirre ang mga isyung kinasasangkutan kahit kumpirmado na ang kanyang appointment.

Mood Meter

  • Happy
  • Neutral
  • Sad
  • Angry
  • Confused
  • Scared
  • Inspired
  • Annoyed