MENU

MALAKANYANG, NANINDIGAN SA NO RANSOM POLICY SA KABILA NG BANTA NG ABU SAYYAF NA PUPUGUTAN ANG BIHAG NA GERMAN NATIONAL





MANILA - Nanindigan ang Malakanyang na paiiralin pa rin ang “no ransom policy” sa mga bihag ng bandidong Abu Sayyaf Group.


Kasunod na rin ito ng banta ng Abu Sayyaf na pagpugot sa German National na si Jurgen Kantner kung hindi magbabayad ng P30 million na ransom hanggang sa Pebrero 26.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mananatili ang “no ransom policy” ng gobyerno na matagal nang pinatutupad ng pamahalaan.


Sa ngayon, patuloy anya ang military operations ng Armed Forces of the Philippines para mailigtas ang german national at maubos ang teroristang grupo sa Mindanao.


Sinabi naman Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana, doble kayod na ang kanilang ginagawa para mailigtas ang alemang bihag. 


Nakikipag-ugnayan na rin ng gobyerno sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sector para mailigtas ang binihag na dayuhan.

Mood Meter

  • Happy
  • Neutral
  • Sad
  • Angry
  • Confused
  • Scared
  • Inspired
  • Annoyed