MENU

MULING PAGDINIG NG SENADO SA UMANOY BRIBERY SCANDAL SA BUREAU OF IMMIGRATION, AARANGKADA MAMAYA





MANILA - Inaasahang dadalo na ngayong araw sa pagdinig ng senado si retired police officer Wally Sombero matapos na tatlong beses na hindi pagdalo dahil sa kanyang problema sa kalusugan. 


Nagbanta naman si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na ipako-contempt si Sombero kung hindi makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).


Ito’y makaraang sabihin ni Sombero na igigiit niya ang kanyang right against self-incrimination.


Ayon kay Gordon, may karapatan naman si Sombero na gamitin ito pero, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede niya itong i-invoke.


Samantala, tiniyak ni Senador Antonio Trillanes na gigisahin niya si Sombero sa senate hearing para matukoy ang puno’t dulo ng suhulan.


Iginiit nito na wala sa posisyon si Sombero para absweltuhin si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre sa pagkakasangkot sa bribery scandal.

Mood Meter

  • Happy
  • Neutral
  • Sad
  • Angry
  • Confused
  • Scared
  • Inspired
  • Annoyed