MENU

PAG-ARESTO SA MGA PINALAYANG CONSULTANT NG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES, HINILING NG SOLICITOR GENERAL





MANILA - Pinawalang bisa ng solicitor general ang piyansa ng mga pinalayang consultant ng National Democratic Front of the Philippines 


Ibig sabihin, ipapaaresto na silang muli alinsunod sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte. 


Gayunman, hindi ang kinanselang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee o JASIG ang basehan ng pagpapaaresto kundi ang kondisyon ng korte ng palayain sila 


Nakasaad dito na pinapayagan lamang silang magpyansa para dumalo sa peace talks sa Norway at oras na matapos ang usapan pangkapayapaan o makansela ito ay otomatikong makakansela rin ang kanilang pyansa.


Umapela naman ang NDFP sa desisyon ng solicitor general.


Sa ngayon, pinag-aaralan na ng mga abogado ng NDFP consultants ang manifestation ng office of the solicitor general para sa kanselasyon ng piyansa para sa mga pinalayang consultants.

Mood Meter

  • Happy
  • Neutral
  • Sad
  • Angry
  • Confused
  • Scared
  • Inspired
  • Annoyed