Already a Member? Sign In | Sign Up
 

regional News

RMN Networks | REGIONAL News Mga lokal na opisyal ng Iligan, dismayado sa isinagawang peace dialogue ng OPAPP

Mga lokal na opisyal ng Iligan, dismayado sa isinagawang peace dialogue ng OPAPP

March 12, 2010
A A A
(12:37 PM RMN-Iligan) HINDI kuntento ang mga lokal na mambabatas ng Iligan sa isinagawang ‘peace dialogue’ ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa Iligan kamakailan.

Ito’y dahil, umaasa ang mga ito na ilalatag ni OPAPP Secretary Annabelle Abaya ang matagal na nilang hinahanap na ‘draft agreement’ ng pamahalaan (GRP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napag-usapan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa halip ay namigay ang OPAPP at ang fellow organizer ng naturang dialogue na isang non-government organization na PAKIGDAIT, Inc. nang mga questioners na hindi anila sila sigurado kung kasali ang mga katanungang iyon sa ‘draft agreement’.

Hinangad ng mga Iliganon na mahihimay-himay ang mga detalye ng napag-usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng MILF sa Mindanao.

Dahil kasali anila ang walong barangay ng Iligan sa kontrobersiyal na expanded Bangsamoro Juridical Entity (BJE) sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD).

Mas lalong nagngingit-ngit sa galit ang mga opisyal ng lungsod nang sabihin ni Dr. Ronald, isang myembro ng GRP Negotiating Peace Panel, sa interview ng Radyo Mo Nationwide (RMN), na walang ‘draft agreement’.

“But there is that so-called ‘interim proposal’ ng MILF but I can’t divulge the complete details of that because we (peace panel members) are bound by covenant not to do so,” sabi nito.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.