Already a Member? Sign In | Sign Up
 

science News

RMN Networks | SCIENCE News FDA nagbabala laban sa 5 cosmetic, fat-loss na produkto

FDA nagbabala laban sa 5 cosmetic, fat-loss na produkto

February 10, 2010
A A A
(11:44 AM) NAGBABALA ang ilang health authorities sa mga consumers na tumatangkilik sa produktong cosmetic at pagpapapayat.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), nagbigay na sila ng babala sa publiko laban sa tatlong “Jiaoli” products at dalawang “Zhen de Shou” products.

Nagbababala pa si FDA head Nazarita Tacandong sa pagbili at pagbenta ng Jiaoli Miraculous Cream, Jiaoli Huichusu Special Cut Genuine, at Jiaoli 2+17 days Clearing Facial Spots Suit.

Idinagdag pa ni Tacandong na ang naturang produkto ay hindi rehistrado at kontaminado ito ng mercury.

Sa inilabas na babala ni Tacandong, nagbabala uli ito laban sa Zhen de Shou Fat Loss Capsule at Zhen de Shou Fat Loss Tea, na kung saan hindi rin rehistrado.

Pinayuhan rin nito ang publiko na “huwag bilhin at tangkilikin ang naturang produkto” makaraang mapatunayang nagtatalay ito ng mapanganib na kemikal.

Binalaan pa ni Tacandong na papatawan nila ng parusa ang mga establisyemento na nagbebenta ng naturang produkto.

Hinimok niya rin ang publiko na na tumawag sa kanila FDA hotline 8078275 kaugnay sa bentahan ng produkto.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.