Already a Member? Sign In | Sign Up
 

science News

RMN Networks | SCIENCE News Helmet na may camera---paborito ngayon ng mahihilig magmotorsiklo

Helmet na may camera---paborito ngayon ng mahihilig magmotorsiklo

March 01, 2010
A A A
Magandang balita para sa mga nagmo-motor na takot mabangga ng walang laban o takot ding maagawan ng sasakyan.

May naimbentong camera helmet na may video recorder.
Ito’y nagtataglay ng 8-gigabyte na micro SD card at baterya na tatagal ng hanggang limang oras.

Mayroon din itong camera stand na napakadaling isalpak sa likod ng helmet upang makunan ang mga kahina-hinalang sumusunod sa iyo na posibleng carnapper o terorista

Sa ganitong paraan, pag-uwi ay makikita sa playback ang masasamang elemento na maaaring pinag-aaralan at balak tangayin ang iyong motor.

Makukunan din ng kamera kapag ikaw ay binangga at doon makikita ang tunay na may kasalanan.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.