Already a Member? Sign In | Sign Up
 

sports News

RMN Networks | SPORTS News Bolt, Serena sinungkit ang sport ‘Oscars’

Bolt, Serena sinungkit ang sport ‘Oscars’

March 11, 2010
A A A
(11:07 AM) SINUNGKIT ni Jamaican sprinter Usain Bolt at American tennis player Serena Williams ang sports “Oscar”.
Si Bolt ay nagwagi ng Laureus Sportsman samantala si Williams naman nakuha niya ang Sportswoman of the Year awards.

Ang naturang premyo ay tinagurian ding sports “Oscar”.

Si Bolt ay nagwagi ng tatlong gintong maedalya sa katatapos lamang na athletics World Championships at nagpamalas ng kanyang sariling record sa 100 at 200-meter na takbuhan.

Samantala si Williams, ay muli niyang nakuha ang No.1 ranking sa tong 2009, makaraang magwagi ito sa Australian Open and Wimbledon.

Ang dalawang atleta kapwang nagsipagwagi na sa Laureus Sports Award nakaraang taon.

Kaugnay nito, si Belgian tennis player Kim Clijsters ay nakamit niya ang the Comeback of the Year award.

Si Clijsters ay nagwagi sa US Open noong 2009 makaraan ang pamamahinga nito ng dalawang taon dahil sa pagpapakasal at pagsilang ng sanggol.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.