sports News
Manny Pacquiao, inspired sa kanyang laban kay Clottey sa Linggo
Sa kabila ng mga pangamba ng kanyang mga mahal sa buhay hinggil sa nalalapit na laban sa Linggo, kampante si Manny Pacquiao sa pagsagupa kay Joshua Clottey ng Ghana sa Cowboy stadium sa Arlington Texas.
Sinabi ni Manny na inspired siyang ipakita sa kanyang mga fans ang kanyang husay at sisikaping maiuwing muli ang karangalan para sa bansa.
Ayon pa kay Manny, tatapatan niya ng lakas at bilis ng galaw si Clottey para mabigyan niya ng magandang laban ang mga fans.
Samantala, pagkatapos ng laban ni Manny kay Clottey ay pagtutuunan na niya ng pansin ang kanyang kandidatura kung saan siya tumatakbong kongresista ng Sarangani province.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.