Already a Member? Sign In | Sign Up
 

world News

RMN Networks | WORLD News 2 European aid workers na dinukot sa Haiti, pinalaya na

2 European aid workers na dinukot sa Haiti, pinalaya na

March 12, 2010
A A A
(12:26 PM) PINALAYA na ng mga kidnappers ang dalawang Swiss national na babae makaraang dukutin ito sa Port-au-Prince, Haiti.

Ito ang kauna-unahang kaso ng pangingidnap ang naitala simula ng hagupitin ng malakas na lindol ang bansang Haiti.

Ang naturang pangingidnap ay kinumpirma mismo ng Doctors Without Borders.

Ayon sa tagapagsalita ng naturang grupo na si Michel Peremans, “maayos na pinakawalan ang 2 biktima at nasa mabutin ang kanilang kalusugan.”

Ang Doctors Without Borders ay isa sa isandaang international aid agencies na nagbigay ng tulong medical sa mga biktima ng lindol sa naturang bansa.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.