Already a Member? Sign In | Sign Up
 

world News

RMN Networks | WORLD News 23 sibilyan patay sa bakbakan sa Somalia

23 sibilyan patay sa bakbakan sa Somalia

March 12, 2010
A A A
(6:24 AM) UMABOT sa dalawamput-tatlong sibilyan ang nasawi sa pagpapatuloy ng ikalawang araw ng opensiba ng pinagsanib puwersa ng Somali Military at African Union (AU) Peacekeepers laban sa Al-shabab rebels sa capital city ng Mogadishu, sa Somalia.

Naipit sa crossfire, mortar attacks at artillery shelling ang mga nasawing sibilyan nang sumiklab ang bakbakan sa lugar, habang pumalo sa walomput tatlong katao ang malubhang nasaktan.

Nakubkob ng Somali at AU Forces ang posisyon ng mga rebelde sa Northern Mogadishu.

Mahigit dalawang dekada nang problema ng Somali government ang pamamayagpag ng Islamist insurgency upang mapatalsik ang liderato ng pamahalaan.

Sa kabila nito, lalo pang pinaigting ng mga otoridad ang kampanya laban sa Al-shabab Somali fighters.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.