world News
Transmitter ng al-Jazeera TV, kinumpiska ng mga Yemeni
Ayon kay Hamdi al-Bukary, reporter na nakabase sa Sanaa office ng al-Jazeera, kinumpiska ang kanilang transmitter nang sila ay magsagawa ng coverage sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde sa southern provinces.
Kamakailan ay hiniling ng mga opisyales ng southern Yemen kay Yemeni Prime Minister Ali Mujawar na ipasara ang regional office ng al-Jazeera sa Yemen dahil sa mga mali nitong report hinggil sa kalagayan ng naturang bansa.
Sinabi pa sa ulat na mariing tinutuligsa ng pamahalaang Yemen ang naturang TV channel dahil sa mga mali nitong pag-uulat at pag-iimbento ng mga balita sa southern provinces ng Dhale at Abyan.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.