₱1.18 milyong halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa dalawang drug suspek sa Bacolod City

259

Arestado ang dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office sa Barangay Punta Taytay sa Bacolod City.

Kinilala ang mga ito na sina Pearl Je-Ann Elera, 26-anyos at Riegel Troy Quimba, 20-anyos na ikinokonsiderang high-value targets ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Augustus Alba, nakuha sa dalawa ang mahigit ₱1.8 milyong halaga ng shabu.


Sinabi naman ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na sa kabila ng pagiging abala ng hanay ng PNP sa pagbibigay ng seguridad sa isinagawang halalan ay hindi rin sila tumigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga.

Sa ngayon ay nahaharap na ang dalawang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165.

Facebook Comments