₱1-M pabuya, inilaan para mahuli ang suspek na pumatay sa isang lalaki at gumahasa sa girlfriend nito sa Marinduque

530

Mariing kinokondena ni Senator Raffy Tulfo ang karumal-dumal na pagpatay sa isang 21-anyos na lalaki at walang habas na pag-gahasa naman sa kanyang menor de edad na nobya sa Brgy. Ihatub, Boac Marinduque.

Diin ni Tulfo, Walang konsensya ang gumawa ng nabanggit na karumal-dumal at kalunos-lunos na krimen.

Kaugnay nito ay magbibigay si Tulfo ng 1 milyong pisong pabuya, para sa ikadarakip ng suspek na hindi pa rin nakikilala.


Panawagan ni Tulfo, ibigay sa kanyang opisina ang anumang impormasyon na makakatulong upang madakip ang may sala.

Layunin ng hakbang ni Tulfo na masiguro na ang talagang may sala ang madarakip at mapananagot.

Facebook Comments