₱1,000 sa sweldo ng kasambahay sa NCR, suportado ng isang senador

134

Pinasalamatan ni Senator-elect Jinggoy Estrada ang National Capital Region (NCR) Wage Board sa pag-apruba sa ₱1,000 dagdag sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Ayon kay Estrada, malaking tulong ito para matustusan ng mga kasambahay ang araw-araw nilang pangangailangan.

Bunsod nito ay nananawagan si Estrada sa iba pang Regional Wage Board na agad pag-aralan din ang pag-adjust sa sweldo ng mga kasambahay sa nasasakupan nilang rehiyon.


Sabi ni Estrada, ito ay upang tiyakin na sapat at makatwiran ang sweldo ng mga kasambahay sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo langis at mga bilihin.

Facebook Comments