₱10,000 na halaga ng shabu at marijuana, nakumpiska ng QCPD sa isang lalaking tulak ng droga

54

Nakumpiska ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng ₱10,000 matapos masakote ang isang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Payatas Road, Group 9, Area B, Brgy. Payatas.

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang arestado na si Noe Dormitorio, 36, at residente ng Brgy. Payatas.


Inginuso ng isang impormante ng Police Station 6 ang ilegal na aktibidad ng suspek sa Barangay Payatas.

Dito na nagkasang buy-bust operation ang mga otoridad at nang magpositibo ay agad inaresto ang suspek.

Maliban sa buy-bust money, nakuha dito ang 12 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱81,000, at 170 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱20,400.00 at ang blue Toyota Avanza na gamit nito sa transportasyon.

Facebook Comments