₱113-M jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, maiuuwi na!

400

Napanalunan ng isang maswerteng mananaya ang mahigit ₱113 million jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na may winning combination na 11-45-08-43-25-33.


Umabot ang kabuuan nitong premyo sa halagang P113,065,050.

Samantala, wala namang nakatumpak sa winning combination ng Grand Lotto 6/55 draw na 20-08-07-34-32-06 at mahigit ₱53 million ang premyo.

Facebook Comments

From Advertisers