₱13 million halaga ng shabu, nakuha sa tatlong drug suspek sa Bacolod

79

Arestado ang tatlong drug suspek sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City.

Sa ulat ng PNP Public Information Office, nakuha sa mga drug suspek ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13.6 milyong piso batay na rin sa Standard Drug Price of the Dangerous Drugs Board (DDB).


Kinilala ang mga naaresto na sina Regine Arroz, 28-anyos, Jun Mark Ibe, 28-anyos at Sheila Mhary Balarao, 34-anyos.

Sa pag-iimbestiga ng PNP na ang mga naarestong ito ay nagbebenta ng droga sa buong Negros Occidental.

Sa ngayon, nananatili sila sa kustodiya ng Bacolod PNP at mahaharap na sa kaso.

Facebook Comments