₱13 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa isang Nigerian sa Pasig City na nasawi rin sa ikinasang drug operation

149

Patay ang isang Nigerian matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Escarpment Road, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawing Nigerian na si Emmanuel Christopher Chukwuma, kasalukuyang nakatira sa Angeles City, Pampanga.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nakaramdam ang suspek na sya ay nakikipagtransaksyon sa pulis kaya nagresulta sa palitan ng putok na ikinasawi ng banyagang suspek.

Nakuha sa kanya ang dalawang piraso ng transparent plastic bag na may lamang shabu na may bigat na dalawang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱13.6 million.

Batay sa pag-iimbestiga ng PNP, ang suspek ay miyembro ng West African Syndicate (WADS) na responsable sa pagpapakalat ng shabu at cocaine sa bansa.

Facebook Comments