₱17 Million Jackpot Prize ng Mega Lotto 6/45, nahakot ng isang mananaya

441

Maswerteng napanalunan ng isang mananaya ang higit 17 Million pesos na Jackpot Prize ng Mega Lotto 6/45. 

Ang winning combination ay 09-29-31-26-18-20 na may total jackpot na ₱17,437,386.20.


Subjected ito ng 20% tax sa ilalim ng Train Law, ibig sabihin ay makakakuha ang gobyerno ng higit 3.4 Million Pesos.

Aabot naman sa 32 ang makakakuha ng Consolation Prize na 20,560 Pesos matapos makuha ang lima mula sa anim na numero.

Maaaring makuha ang premyo sa Main Office ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City at madala lamang ng dalawang Valid ID.

Hinimok ni PCSO General Manager Royina Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang produkto ng ahensya para makatulong sa kanilang charity programs.

Facebook Comments

From Advertisers