₱2.7-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang Nigerian at live-in partner nitong Filipina sa Makati City

267

Nahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis ang isang Nigerian at kinakasama nito matapos makuhaan ng ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2.7 milyon sa Brgy. West Rembo, Makati City.

Kinilala ang dalawa na sina Lucky Chinwe Ugboaga, 38 anyos; at Rowena Brojas Reyes, 33 anyos, kapwa residente ng Dexterville Royal Dasmariñas, Cavite.


Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ikinasa ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Philippine Drug Enforcement Agency – NCR (PDEA-NCR) ang anti-illegal drug operations matapos makumpirmang sangkot ang dalawa sa drug transactions.

Sa operasyon na isinagawa sa Kalayaan Ave, Brgy. West Rembo, nakuha sa mga suspek ang nasa 400 gramo ng shabu na may Dangerous Drug Board value na ₱2,720,000.

Nakuha rin ang dalawang cellphone, sasakyan at ₱149,000 na boodle money.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kaso.



Facebook Comments