₱20 na kilo ng bigas, mabibili na sa Bureau of Plant Industry sa Maynila

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng ₱20.00 na kada kilo ng bigas sa Bureau of Plant Industry (BPI) sa San Andres Street sa Malate, Maynila.

Alas-7:00 ng umaga sinimulan ang pagbebenta kung saan sa halip na 10 kilo ay nilimitahan ang bawat isa na makabili ng 5 kilo.

Nabatid na nasa 70 sako ng bigas ang dumating sa tanggapan ng BPI at ibebenta ito hanggang sa maubos ang suplay.

Partikular na makabibili ng ₱20 na kilo ng bigas ay mga miyembro ng 4Ps, senior citizen, PWDs at mga solo parent na malilimitahan ng pagbili ng hanggang 30 kilo kada buwan.

Kaugnay nito, ilang mga senior citizens ang maagang pumila para makabili ng nasabing bigas habang may mga bagong dating din na suplay ng mga gulay na mabibili sa murang halaga.

Facebook Comments