₱200,000 na halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust sa Quezon City

42

Nakumpiska ng Station Drug Enforcement Unit ng La Loma Police Station ang shabu na nagkakahalaga ng ₱200,000 matapos maaresto ang isang tulak ng droga sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Pol. Brig. Gen. Ronnie Montejo ang suspek na si Marcial Cajucom, 47, at residente ng Tondo, Maynila.

Nakuha sa suspek ang buy-bust money, 30 gramo ng shabu na may street value na ₱204,000, cash na ₱8,520, isang cellular phone at isang kulay pulang motorsiklo na gamit nitong transportasyon.

Facebook Comments