₱2DAGDAG PASAHE MALAKING BAGAY PERO KULANG AYON SA TRANSPORT SECTOR SA PANGASINAN

27
Malaking bagay ang naging desisyon ng LTFRB na magkaroon ng 2 pesos probationary fare increase sa buong Pilipinas.
Ayon kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, bagamat malaking bagay ito aniya ay kulang pa rin kung tutuusin dahil sa napakataas na presyon ng produktong petrolyo.
Mula Enero ngayon taon aniya hanggang ngayon ay umaabot na sa 47 pesos ang itinaas ng presyo ng oil products kung kaya’t tila kulang ang dalawang piso na dagdag sa pasahe.

Nakatakda aniya silang magsagawa ng pulong sa mga miyembro ng AUTOPRO Pangasinan para ipaalam sa mga kasamahan ang nasabing pagbabago. | ifmnews
Facebook Comments