Arestado ang isang high-value drug suspect sa Brgy. 3, San Ildefonso, San Nicolas, Ilocos Norte.
Ang suspek ay isang 31 anyos na lalaking welder at residente ng Dingras sa probinsiya.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 1 (PRO1), narekober mula sa suspek ang 300 gramo ng shabu na nakasilid sa tatlong ice bags at tatlong pakete na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.
Kulong ang suspek na Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments