₱3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa isang babaeng tulak ng droga sa buy-bust sa Bulacan

76

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang abot sa ₱3.4-M na halaga ng shabu matapos matimbog ang isang babaeng tulak ng droga sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Mary Grace Sison, 37-anyos dalaga na residente ng Bagong Silang, Caloocan City.


Isang PDEA agent ang nagpanggap na bibili ng 500 grams ng shabu.

Noong una ay nagkasundo sila na magkita sa San Jose Del Monte ngunit inilipat sa Public Market Harmony Hills, Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Halos dalawang linggo inabot bago nakumbinsi si Sison para bentahan ang PDEA agent ng illegal na droga.

Facebook Comments