₱3.4 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Tarlac

104

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug suspek sa Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac matapos makuhaan ng nasa ₱3.4 halaga ng shabu.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina; Cervando Gayas Jr. Alyas ‘Mata’, 26-anyos at Aurora Gaya 29-anyos.


Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, aabot sa 500 gramo ng shabu na may estimated value na ₱3.4 milyon ang nakuha sa mga drug suspek sa ikinasang anti-illegal drugs operation.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

Nananatili sila ngayon sa kustodiya ng PDEA Region III habang inihahanda ang kaso.

Facebook Comments