₱3.4M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Muntinlupa City

28

Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PFEA) ang dalawang target na notoryus na drug personalities sa isang drug buy bust operation sa Muntinlupa City.

Kinilala ni Atty. Ronnie Cudia, Officer-In-Charge ng PDEA-NCR ang dalawang arestado na sina Joehari Mamasainged aka “Kahel”, 25 anyos at Naser Cayagcag, 21, mga residente ng Lower Bicutan, Taguig City.


Isinagawa ang operasyon sa Lakefront, Sucat, Muntinlupa City kung saan nakipag-transaksyon ang dalawa sa PDEA Agent na nagpangap na pusher buyer.

Nakumpiska sa drug operation ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng shabu na may timbang na 500 grams at may standard drug price na ₱3.4M at isang Yamaha Mio Sporty motorcycle.

Facebook Comments