₱3.5 milyon na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa 2 tulak ng droga sa Makati City

85

Kahit nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila, wala pa ring takot ang mga tulak ng droga.


Ito’y matapos na maaresto ang dalawang lalaki sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Tristan Jay Ocfemia alyas Yeye, isang Grab food driver at Oliver Rogelio Benitez.

Nasamsam sa mga suspek ang limang bulto ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na kalahating kilo at may street value na 3.5 million.

Halos isang linggong minanmanan ang galaw ng mga suspek bago ikinasa ang buy bust operation sa A.P. Reyes Ave., Barangay Tenejeros, Makati City.

Facebook Comments