
Isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC) na taasan pa ang gastos ng mga kandidato sa bawat botante sa gitna ng kampanya.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi na praktikal at malayo sa katotohanan ang ginagastos ng mga kandidato sa bawat botante na inilalagay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sa ilalim ng batas, nasa tatlong piso lamang ang pinapayagang gastusin ng kandidato sa kada botante.
Habang limang piso naman ang pinahihintulutan kada botante kapag independent candidate o walang kinabibilangang partido.
Sabi ni Chairman Garcia, hindi na ito realistic at aminado rin na maaaring napipilitan magsinungaling ang ibang kandidato.
Dahil dito, nanawagan si Garcia sa Kongreso na itaas ang halaga ng pwedeng gastusin sa mga botante.
Nasa ₱25 ang iminumungkahing maging limit sa gastos ng local candidates kada botante habang ₱50 naman sa mga national candidates.